PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

10-anyos totoy nalunod sa ilog

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Natagpuang patay ang 10-anyos na totoy matapos na mahulog at malunod sa ilog sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng pulisya sa Lucena City, nakilala ang biktima na si John Rain Telada, Grade 4, at residente ng Jael Subdivision sa nasabing barangay. Batay sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima na nakikipaglaro sa dalawang kaklase sa gilid ng ilog. Gayunman, nadulas ang biktima sa habulan at nahulog sa ilog hanggang sa hindi na lumutang. Makalipas ang kalahating oras ay natagpuan ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa ilog.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: