PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kotse vs traktor: Mag-asawang balikbayan utas

BATAAN, Philippines — Namatay na rin ang isa pang babaeng  balikbayan makaraang unang mamatay ang kanyang mister habang kritikal naman ang driver at apat ang sugatan makaraang lumusot sa ilalim ng traktor ang kanilang kotse sa kahabaan ng Roman Highway sa Barangay Capitangan sa bayan ng Abucay, Bataan  noong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang mag-asawang namatay na sina Resty Diaz at Felomina Diaz, 65, habang nasa kritkal na kondisyon ang driver na si Andy Margallo.

Samantala, nasugatan naman sina Maria Theresa Punzalan, 38; Mikaela Maris Punzalan, 12; Minoz Arizon Punzalan, 5; at si Miko Punzalan, 1, mga nakatira sa Barangay Pto. Rivas, Balanga City, Bataan.

Sa ulat ng pulisya, sinundo ng driver na si Margallo ang mag-asawang Diaz sa paliparan mula sa Singapore sakay ng kotse (BDE-751).

Gayunman, sumalpok ang kotse sa likurang bahagi ng tractor sa kahabaan ng highway kung saan kaagad na namatay si Resty.

Habang ang misis nito ay namatay naman sa Bataan General Hospital.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: