PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

CHR case vs Laguna solon hiling desisyunan ni Gascon

Gascon

STA. ROSA, Laguna, Philippines — Nanawagan ang libu-libong kababaihan sa Commission on Human Rights (CHR) na agarang desisyunan na ang kaso laban kay Laguna 1st District Congresswoman Arlene B. Arcillas kaugnay ng paglabag sa mga probisyon ng Republic Act 9710 o kilalang Magna Carta of Wo­men (MCW) sanhi umano ng kwestiyunableng paggamit ng pondo at pagpapatupad ng programang Gender and Development (GAD) sa nasabing lungsod.

Sa pamumuno ni Antonia B. Vallejo, complainant ng kaso at community organizer ng mga kababaihan sa Laguna, mariing hinimok si CHR Chairman Jose Luis Martin ‘Chito’ C. Gascon na bigyan ng kaukulang taning para sa maagang pagdesis­yon sa kaso ni Congresswoman Arcillas sa CHR upang mapa­nagot sa mga nilabag na karapatang-pantao.

Ang kaso ni Arcillas ay nakatala sa Docket Number 2016-01-87 na isinampa ni Vallejo noong Mayo 27, 2016 sa CHR-Laguna, San Pablo City, Laguna.

Ayon kay Vallejo, ang CHR case ni Arcillas ay nasa opisina pa ng CHR-Laguna at nais niyang mailipat ito sa CHR Central Office para mabigyang ng prayoridad katulad sa mga kaso ng extra-judicial killings (EJK) na kasalukuyang iniimbestigahan ng nasabing ahensya.

“Sinabihan ako na maghintay-hintay kasi priority ang EJK cases. Pero mali ‘yon kasi naniniwala ako na dapat kasabay bigyan ng prayoridad ang CHR case ni Arcillas dahil ang hustisya ay hinihintay ng daang-libong kababaihan na apektado sa di-tamang pagpapatupad ng GAD program sa Sta. Rosa City.

 “Kaya nananawagan ka­ming daang-libong benefi­ciaries ng GAD program kay Chairman Gascon na tutukan ang naturang kaso para mapangalagaan ang mga sinasaad ng RA 9710, mahin­to ang mga kwestiyunableng sistema ng pagpapatupad ng nasabing programa, at mapanagot si Arcillas, kasama ang iba pang opsiyal ng lungsod na may kinalaman ng paglabag sa mga probisyon ng MCW,” paliwanag pa pa ni Vallejo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Inaasahan ni Vallejo na pakikinggan ang kanilang panawagan kay Chairman Gascon at maagang makakamit ang hustisya ng mga beneficiaries ng MCW sa nasabing lungsod. 

Sa kasalukuyan ay hindi makontak si Arcillas para magbigay ng kanyang panig sa nasabing isyu.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: