^

Probinsiya

May-ari ng videoke bar, itinumba

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  — Patay ang 29-anyos na may-ari ng videoke bar matapos itong pagbabarilin ng pinsan ng kanyang kinakasama sa Sitio Tabak, Brgy. Tacupan sa bayan ng Carmen, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Tatlong bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Michelle Conuman, may ari ng videoke bar at nakatira sa Barangay Uhaw, General Santos City. Habang tinutugis naman ang suspek na si Alyas Benjie na sinasabing pinsan ng kinakasama ng biktima at nakatira sa Barangay Kibayao. Batay sa ulat, nairita ang suspek sa hindi pag-aasikaso ng biktima habang ito ay umiinom. Sugatan naman ang menor-de-edad matapos na  tamaan ng ligaw na bala sa pamamaril. Kinompronta ng suspek ang biktima habang abala ito sa pag-aasikaso sa mga customer kaya nauwi sa pamamaril. Personal na alitan ang isa sa mga anggulong sinusundan ng pulisya kaya naganap ang krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with