^

Probinsiya

Onsehan: 2 drug suspek nilikida

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Onsehan: 2 drug suspek nilikida

Ayon kay P/Supt. Elcid Roldan, hepe ng Daraga police, dakong alas-10:10 ng gabi nag-iinuman ang mga biktima kasama ang hindi kilalang babae nang ratratin ng tandem. Nakatakas naman ang kainumang babae. Philstar.com/File

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  — Napaslang ang dalawang notoryus na tulak-droga na sinasabing sumuko sa Oplan Tokhang matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins habang nag-iinuman sa harap ng chapel sa Purok 7, Barangay Tagas sa bayan ng Daraga, Albay noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina John Melchor LLasos, 36, ng Purok 7, Doña Maria Subdivision; at Marlon Estuye, 33, ng nasabing barangay.

Ayon kay P/Supt. Elcid Roldan, hepe ng Daraga police, dakong alas-10:10 ng gabi nag-iinuman ang mga biktima kasama ang hindi kilalang babae nang ratratin ng tandem. Nakatakas naman ang kainumang babae.

May posibilidad na onsehan sa droga ang isa sa motibo ng gunmen dahil sa palitan ng text messages na sinisingil ang biktima sa P60K na hindi nai-remit  mula sa drug trade.

Maliban sa mga cell phone ng biktima ay nare­kober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with