^

Probinsiya

Mag-asawa natagpuang patay sa bahay

Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa natagpuang patay sa bahay

Ang mag-asawang Talandron

LOS BAÑOS, Laguna, Philippines — Palaisipan sa pulisya ang pagkamatay ng mag-asawang may tama ng bala na natagpuan sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Putho-Tuntungin sa Los Baños, Laguna, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Arvin Avelino, hepe ng Los Baños police ang mag-asawa na sina T/Sgt. Pedro Talandron ng Army’s 564th Engineering Construction Battalion; at Rowena Talandron.

Base sa police report, rumesponde ang mga operatiba ng pulisya sa Gawad Kalinga housing site makaraang makatanggap ng tawag mula sa ilang residente na may narinig na serye ng putok ng baril sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Ayon sa ulat, unang nakadiskubre sa mag-asawang duguan ang kapatid na babae ni Rowena bandang alas-4 ng hapon.

Sa pahayag ni Avelino, bago makarinig ng mga putok ng baril, narinig ng ilang kapitbahay na nag-uusap ang mag-asawa su­balit hindi malinaw kung nagtatalo.

Nabatid na ang 17-anyos na anak ng mag-asawa ay hiwalay ng bahay sa kanyang mga magulang.

Base sa ulat, si Rowena ay may tama ng bala ng baril sa leeg habang si Pedro naman ay may tama ng bala sa ulo. Narekober din ang baril na ginamit sa krimen.

Hindi naman nagbigay ng komento si Avelino sa posibilidad na suicide at parricide dahil ipinaubaya niya sa ilalabas na resulta mula sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with