^

Probinsiya

Magsasaka tigok sa pananambang

Raymund Catindig - Pang-masa

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Inutas ng mga berdugo ang isang 45-anyos na magsasaka habang pauwi na ito at sakay ng kanyang tricycle Barangay Cumao, Gattaran, Cagayan noong Biyernes.  Kinilala ni PO2 Ronald Pascual ang napatay na si Romel delos Santos na residente ng nasabing lugar. Ayon kay Pascual, pauwi na ang biktima na galing sa bahay ng kanyang kapatid nang ratratin ito sa daan dakong alas-8:45 ng gabi.  Nadatnan ng mga kaanak si Delos Santos na nakahilata sa gitna ng kalsada na naliligo sa sariling dugo.
Dinala sa ospital si Delos Santos kung saan siya nalagutan ng hininga. Nabatid na wala sa drugs watchlist ng pulisya ang biktima kung kayat inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with