^

Probinsiya

10 wheeler vs. bus; 1 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Agad na nasawi ang isang 20-anyos na lalaki habang walo pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang isang 10 wheeler truck at isang pampasaherong bus sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan nitong Biyernes.

Sa report ng Pangasinan Police, kinilala ang nasawing biktima na si John Jovet dela Cruz, pahinante ng trak na naipit sa unang upuan ng truck.

Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Ma­ngatarem District Hospital.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga sugatang biktima na sina Rizalino Nicolas, 50-anyos; driver ng trak; mga helper na sina Darwin Pradez,19 at Jaypee Gabalat, 20.

Ang iba pang mga nasu­gatan ay mga pasahero naman ng tricycle na nasalpok din sa banggaan na sina Menchie Calza, 46; Jose Claveroun, Jasmine Villa­real, Rosan Dagohoy; pawang nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Romulo Highway, Brgy Quetegan, Mangatarem ng lalawigang ito.

Ayon sa mga testigo, binangga ng Fuso 10 wheeler truck na may temporary plate 0301-402722 na minamaneho ni Rizalino Nicolas, ang hulihang bahagi ng Five Star Bus (AWC -821) na minamaneho naman ni Conrado Labrador, 49-anyos.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nadamay pa ang tricyle na sinasakyan ng ilang pasahero na nasugatan sa insidente habang nasalpok din ang ilang nakaparadang motorsiklo sa lugar.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with