^

Probinsiya

3 minero dedo sa gas poisoning

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong minero ang nasawi matapos makalang­hap umano ng nakalalasong gas sa loob ng isang tunnel ng minahan sa ba­yan ng Placer, Surigao del Norte kamakalawa.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Angelo Alontaga, Ryan Elacion, kapwa 35-anyos at Freddie Basilio, 21-anyos.

Samantalang masu­werte namang nakaligtas si Jonathan Cutamora, 29-anyos matapos itong makalabas sa tunnel at isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Sa ulat ng CARAGA Po­lice, ang mga biktima ay pu­ma­sok sa loob ng tunnel ng isang minahan sa Brgy. Ellaperal dakong alas-2:00 ng hapon noong Setyembre 19 ng taong ito.

Ang insidente ay inireport ni Cutamora sa mga otoridad matapos itong makalabas ng pagamutan dalawang araw matapos ang insidente.

Nagresponde naman ang lokal na search and rescue team at narekober ang bangkay ng tatlong nasawing minero.

Sa pahayag sa mga aw­toridad sinabi naman ni Engineer Carlos Cogolio ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Mine Ma­nagement ng Region 13, posibleng isang lumang tunnel na may mga naka-stock na nakalalasong gas ang napasok ng naturang mga minero.

Isinasailalim pa ng mga oto­ridad sa masusing im­bestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with