^

Probinsiya

Fish vendor pinabulagta sa palengke

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MATALAM, North Cotabato, Philippines —Bumulagta sa harap ng kanyang mga panindang isda ang isang fish vendor makaraang pagbabarilin ng di natukoy na gunman sa Public Market, Poblacion, Matalam, North Cotabato. Sa ulat na nakarating kay Mautin Pangandigan, OIC ng Matalam PNP kinilala ang nasawi na si Nora Taligapin Salandang alyas “Bodede”, 36-anyos, may asawa at residente ng Sitio Esmar, Brgy. Marbel, Matalam. Nangyari ang insidente alas 11:47 kamakalawa ng umaga kung saan pinagbabaril ang biktima ng di pa nakilalang gunman habang abala sa pag-aasikaso ng mga nilalakong isda sa pamilihang bayan. Nagtamo si Salandang ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan at mukha na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Nasa limang mga basyo ng bala na buhat sa kalibre .45 na pistola ang narekober sa crime scene.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with