^

Probinsiya

Parak dedo sa tandem

Victor Martin at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Namatay noon din ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos itong pagbabarilin ng di natukoy na riding-in-tandem, sa bayan ng Alcala, Cagayan, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawing biktima na si SPO3 Romeo Bueno, 46-anyos, nakatalaga sa Alcala police office at residente ng Barangay Tupang sa nabanggit na bayan. Batay sa ulat ni SPO2 Banedicto Bilibol, imbestigador ng Alcala PNP, dakong alas-7:15 ng gabi nang pagbabarilin si Bueno ng dalawang suspek sa kahabaan ng national highway sa nasasakupan ng Barangay Tupang.  Papasok sana umano ang biktima sa Alcala PNP sakay sa kanyang motorsiklo nang sundan ng mga riding assasins at ratratin sa tapat ng isang gasolinahan sa nasabing lugar. Apat na tama ng bala mula sa isang cal.45 ang tinamo ng biktima na siyang dahilan ng kanyang agarang pagkasawi. Patuloy ang imbetigasyon sa naturang kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with