^

Probinsiya

Pastor inutas ng agaw-motor

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  — Inutas ng mga kawatan ang 40-anyos na pastor ng relihiyon matapos itong pagbabarilin at agawin ang kanyang  motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay San Pedro, bayan ng Mallig, Isabela noong Miyerkules ng gabi. ?

Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Rexson Casauay, hepe ng Mallig police station, u­maga na nang madiskubre ang nanigas at duguang bangkay ni Pastor Fredie Balmores ng Barangay Siempre Viva Sur at pastor ng Assembly of God.?

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo mula sa religious fellowship kung saan sinusundan siya ng mga traysikel na lulan ng iba pang kasapi sa relihiyon.

Gayunman, umalingaw­ngaw ang serye ng putok ng baril dakong alas-10:30 ng gabi.?

Sa takot na madamay sa putukan ay nagtuloy sa pagtakbo ang mga traysikel ng iba pang kasapi kung saan umaga na nang matunton ang biktima sa gilid ng highway.?

Nabatid na wala na ang motorsiklo ni Balmores habang patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang naganap na krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with