^

Probinsiya

Pulis dinedo ng kabarong pulis

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Pulis dinedo ng kabarong pulis

PO3 Lloyd aPlaton
 

Kapwa bumibili ng barbeque…

NORTH COTABATO , Philippines  — Bumulagta ang isang pulis matapos itong pagbabarilin ng kanyang kabaro habang bimibili ng barbeque sa bisinidad ng Magsaysay Ave­nue, Barangay Poblacion A sa bayan ng Mlang, North Cotabato noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni P/Insp. Jorlito Patrona, deputy chief of police, ang napatay na si PO3 Lloyd Platon ng T’boli police station sa South Cotabato.

Sugatan naman ang kasama ni PO3 Platon na si Wendel Papna kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Pinaghahanap naman ang suspek na si PO1 Vergel Rivera na nakadestino sa Davao area.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, galing sa lamay si PO1 Rivera at pansamantalang huminto sa ihaw-ihawan upang bumili ng barbeque.

Gayunman, namataan nito na may sukbit na baril si P03 Platon na nakasibilyan.

Tinanong ng suspek na nakasibilyan din kung pulis si PO3 Platon kung saan hindi umano nagustuhan ang pagtatanong hanggang sa nagkainitan ang dalawa.

Dito na nagkabarilin ang dalawang pulis na kapwa off-duty at hindi naka-uniporme.

Agad na naisugod sa pinakamalapit na ospital ang dalawang pulis subalit kalaunan ay namatay si P03 Platon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with