PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Drug surrenderee, nilikida

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang 49-anyos na drug surrenderee matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa panibagong pamamaril sa Purok Riverside, Barangay Sto. Niño sa Koronadal City, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Ayon sa pulisya, natagpuan na lamang na nakadapa ang duguang biktima na si William Villanueva Pareja na napuruhan sa ulo. Ayon kay Brgy. Chairman Norberto Bañaria, dating nasa drug watchlist ang biktima at sumuko sa Oplan Tokhang. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may koneksyon ang pagpatay sa droga o kaya personal na alitan ng gunmen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: