^

Probinsiya

Cafgu kinidnap ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang tauhan ng Cafgu  sa bayan ng Bansud, Occidental Mindoro kamakalawa ng gabi. Base sa ulat ni Army’s 203rd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Antonio Parlade, kinilala ang biktima na si Jonathan Manlabo ng Barangay Pinagturilan, bayan ng Sta Cruz. Bandang alas -6:30 ng gabi nang kidnapin ang biktimang naghahapunan kasama ang kaniyang pamilya sa loob ng kanilang bahay. Sinabi ng misis ng biktima na hindi armado ang kaniyang mister ng mangyari ang insidente. Walang nagawa ang biktima matapos na tutukan ng baril saka kaladkarin ng mga rebelde patungo sa direksyon ng kabundukan. Kinondena naman ni Parlade ang insidente  at agad na ipinag-utos ang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga rebelde.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with