^

Probinsiya

Habal-habal driver inutas sa inuman

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Bulagta ang 34-anyos na habal-habal driver matapos itong pagbabarilin ng tatlong kainuman sa Barangay Baga-uma sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Francis Cortez ng Brgy. Bangon habang arestado naman ang dalawa sa tatlong suspek na sina  Richard Lopez, 36, kawani ng munisipyo; at Jason Alvarez. Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na si Michael Sanchez, mga nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-7 ng gabi magkasamang nag-iinuman ang biktima at tatlong suspek nang sumiklab ang pagtatalo kaugnay sa kinanselang barangay elections. Sa gitna nang pagtatalo, nairita ang mga suspek sa tinuran ng biktima kaya sunud-sunod na pinaputukan at napatay. Narekober  sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol na ginamit ni Alvarez sa krimen. Jorge Hallare

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with