2 utas, 5 tiklo sa buy-bust
BULACAN , Philippines — Dalawa-katao na sinasabing notoryus drug peddlers ang napatay habang lima naman ang naaresto sa magkasunod na anti-drug operation ng pulisya sa Meycauayan City at bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon. Kinilala ang mga napatay na sina Alyas Michael at Erwin Santos, mga Northville 3, Brgy. Bayugo sa Meycauayan City.
Arestado naman ang mga suspek na sina Edzel “Unggoy” Perez, 26; Cesar Aswer, 30; Monique Celestino, 22; Christopher De Guzman, 27; at si Ferdinand Corpin, 32, mga residente ng Northville 5 sa Brgy. Batia sa bayan ng Bocaue.
Sa ulat ni P/Supt. Kim Cobre ng Meycauayan City police na nakarating sa Camp Alejo Santos, pumalag sa buy-bust operation ang dalawa na nakatunog kaya napatay ng mga pulis. Samantala, naaresto naman ng mga tauhan ni P/Supt. Jowen Dela Cruz ang limang suspek makaraang maaktuhan sa pot session sa bahay ni Perez.
Narekober naman ang dalawang cal.38 revolver, mga bala,18 plastic sachet na shabu, digital weighing scale, cellphone, mga drug paraphenalia at P1,000 marked money.
- Latest