^

Probinsiya

4 bangkay ng lalaki natagpuan sa water tank

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginulantang ang mga residente matapos na ma­diskubre ang apat na bangkay ng kalalakihan sa loob ng tangke ng tubig sa Barangay San Francisco, Lipa City, Batangas kahapon ng umaga.

Base sa ulat ni P/Supt. Meliton Salvadora, Lipa City police director, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa natagpuang apat na bangkay ng lalaki  sa loob ng rain water tank sa Purok 4, Sitio Barandal sa nasabing barangay.

Bandang alas 7:15 ng umaga nang madiskubre ang apat na bangkay nina Jimuel Dimaculangan, Enrique Erolon, isang tinukoy sa pangalang Jasper at ang isa pa ay kinilala namang si Jose.

Nakita ang mga biktima na nasa loob ng rainwater storage tank na may dalawang butas na 30-pulgada ang lapad at tatlong metro ang lalim.

Ayon sa pulisya, imposible umanong basta na lamang malunod ang apat dahil halos isang metro ng tubig ang lalim ng tangke.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga awtoridad partikular na ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at ilang forensic experts upang mabigyang linaw ang pagkamatay ng mga biktima.

Samantala, may teorya rin ang pulisya na posibleng na-suffocate ang mga biktima habang nililinis ang water tank.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with