Coed, 1 pa arestado sa buy-bust
NORT COTABATO, Philippines — Dalawa-katao kabilang ang graduating student na sinasabing drug suspek ang bumagsak sa rehas na bakal makaraang masakote ng mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Matapat, Mabini Extention, Barangay Zone 4 sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Kristoffer “Popoy” Bengil at Sheena C. Agraviador, graduating student sa kolehiyo at ka-live-in ng utol ni Bengil. Pinaghahanap naman ang kasabwat ng dalawa na si Rafael Carlo Bengil. Nasamsam sa mga suspek ang 12 plastic sachet na shabu, marijuana, mga drug paraphernalia, at ang P500 marked money.
- Latest