^

Probinsiya

Totoy dedo sa pamamaril ng NPA

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines — Napatay ang 14-anyos na totoy makaraang madamay sa pamamaril ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo ng 1st Infantry Batallion ng Philippine Army sa Barangay Libertad sa bayan ng Cawayan, Masbate noong Linggo ng hapon. Napuruhan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Vincent Jaylord Pequero, Grade 8 student at nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas 4:30 ng hapon habang nagla­laro ng basketball sa barangay plaza ang mga sundalo at ilang residente nang ratratin ng mga rebelde ang palaro. Wala namang iniulat na namatay sa panig ng mga sundalo subalit natagpuan ng mga barangay opisyal ang biktima na sinasabing nanonood lamang ng basketball ay duguang nakabulagta na may mga tama ng bala sa katawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with