^

Probinsiya

Anak, nasermunan ng ama, nagbigti

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Kusang nagpaslubong kay kamatayan ang 17-anyos na anak na sinasabing nasermunan ng kanyang ama matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Panducot sa bayan ng Calumpit, Bulacan noong Linggo ng hapon. Naisugod naman sa ospital ang biktimang si Jasper Alejo subalit nalagutan din ito ng hi­ninga. Sa ulat ni PO2 Ronald Rosario, kinompronta ng ama ang biktima saka sinermunan dahil sa kakaibang ugali nito. Humantong sa matinding mainitang pagtatalo ang mag-ama saka kaagad na pumanhik sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang biktima. Gayunman, ilang minuto ang nakalipas ay sinundan ng ama ang anak sa silid kung saan bumungad ang nakabiting biktima gamit ang nylon cord. Kusang pumirma sa waiver ang ama para hindi na sumailalim sa post-mortem examination ang sariling anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with