^

Probinsiya

Lola inakalang magkukulam, nilikida

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinabulagta ang 67-anyos na lola na inakusahang mangkukulam matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki habang naglalakad patungo simbahan sa Barangay San Ramon, bayan ng Manabo, Abra noong Linggo ng umaga. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Carol Lacuata, taga­pagsalita ng Cordillera police na kasama ng biktimang si Rosa Aliguen ang kaibigang si Purita Dangatan nang lapitan at ratratin sa likuran. Kaagad na bumulagta ang lola habang nagsigawan at nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid na sinamantala ng gunman na tumakas. Base sa police report, sinabi ng anak na nakakatanggap ng banta sa buhay ang kanyang ina may ilang linggo na ang nakalipas mula sa mga mamamayan ng Barangay San Ramon East na nagbibintang mangkukulam ang kanyang ina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with