^

Probinsiya

Trike driver itinumba sa kalsada

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang 25-anyos na trike driver matapos itong barilin ng apat na lalaki na magkakaangkas sa panibagong karahasang naganap sa kahabaan ng  Plaridel Street sa Barangay San Roque, Cavite City,  Cavite, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Raniel “Ran-Ran” Mendoza ng  #905 Dra Salamanca Street sa Barangay 42B, San Antonio, Cavite City. Arestado naman ang isa sa apat na suspek na si John Lorenz “Java” Manansala, 23, ng #522 Ocampo Street sa Barangay San Roque. Pinaghahanap naman ang tatlo pang suspek na sina Juanchito Barrera ng Barangay San Rafael 3, Noveleta;  Airon Avales Cruz, at si  Alyas Toto. Sa ulat ni PO2 Armangel Genuino na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nagmamaneho ng traysikel ang biktima nang barilin ng mga suspek pagsapit sa nasabing lugar. Narekober sa crime scene ang basyo ng bala ng cal. 45 pistol at ang motorsiklo na ginamit sa pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with