^

Probinsiya

13-anyos sakote sa droga

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Naglaho ang kinabukasan ng 13-anyos na hayskul student na sinasabing pinag­lako ng droga ng sariling ina matapos itong madakip ng mga jailguard sa pagpupuslit ng pakete ng shabu sa Zamboanga del Norte provincial jail kamakalawa ng tanghali.

Ayon sa pulisya, narekober sa medyas ng 13-anyos na estudyante ng Zamboanga Del Norte National High School sa Dipolog City ang pakete ng shabu matapos itong dumaan sa inspeksyon.

Narekober ang cellphone ng bata kung saan may text messages ng ina na si Rebecca Buaya na nag-utos sa bata na bumili ng shabu at dalhin sa kanyang selda sa Zamboanga Norte Correctional And Rehabi­litation Center sa bayan ng Manukan.

Nabatid na si jailguard Susana Tolentino ang nakadiskubre ng droga at ang text messages ng ina ng menor-de-edad sa cellphone.

Nasa pulisya na umano ang bata at may pahintulot umano ang Department of Social Welfare dito habang inihahanda ang kaso laban sa mag-ina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with