MILF vs BIFF: 2 utas, 2 sugatan
NORTH COTABATO, Philippines — Dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang napatay habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang makasagupa sila sa tropa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga Barangay Andavit at Tee sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao noong Linggo ng hapon.
Kabilang sa mga namatay ay sina Mustapa Musa, 24, ng Brgy Manungkaling, Mamasapano, Maguindanao; at Mokamad Kadil, 40, ng Barangay Simsiman, Pigcawayan, North Cotabato.
Samantala, sugatan naman sina Surani Abelusa, 50, ng Brgy. Damatulan, Midsayap, North Cotabato; at Taha Sabpa, 30, ng Barangay Koloy, Shariff Aguak, Maguindanao.
Ayon sa ulat, nagkasagupa ang MILF at ang BIFF na pinamunuan ni Commander Abu Torayfe sa nasabing bayan.
Agad dinala sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City ang mga sugatan habang ang 2 MILF ay inilibing na batay sa tradisyon ng Islam.
- Latest