^

Probinsiya

Trike vs kotse: Mag-ama patay, maglolo kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Utas ang mag-ama habang kritikal naman ang maglolo matapos mahati ang sinasakyan nilang traysikel nang salpukin ng kotse sa Barangay San Nicolas, bayan ng Esteban, Ilocos Sur noong Linggo ng gabi.?

Kinilala ni P/Chief Insp. Honesto Lazo Jr., taga­pagsalita ng Ilocos Sur police ang mga namatay na sina Joniff Ryan Estrala, 36; at Jhomailee Estrala, 9, habang kritikal naman ang biyenan na si Manolito Ambrocio, 66; at isa pang anak na si Jelina, 7.?

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkasalpukan dakong alas-8 ng gabi ang traysikel ni Ryan at Honda City ni Dennis Arce, 44, sa kurbadang bahagi ng highway kaya humiwalay ang motorsiklo at sidecar nito sa lakas ng impact.?

Isinugod ng mga sumaklolo ang mga biktima sa Candon City General Hospital kung saan nalagutan ng hininga ang mag-ama habang nakiki­pagbuno naman ang mag­lolo.?

Isinailalim naman sa kustodiya ng pulisya ang drayber ng kotse na si Arce.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with