^

Probinsiya

Pulis tigok sa diving expedition

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pulis tigok sa diving expedition

SP01 Buenaventura

MANILA, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng beteranong pulis na miyembro Regional Public Safety Battalion - National Capital Region Police Office sa isinagawang diving expedition sa karagatan sa bayan ng Tingloy, Batangas kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si SP01 Clark Aristotle Buenaventura ng RPSB-NCRPO. 

Sa ulat ng Batangas Police na naisumite sa Camp Crame, naganap ang insidente sa karagatang sakop ng Caban Cove, dakong alas-12:30 ng hapon.

Sa imbestigasyon, nasa kasagsagan ng diving expedition ang biktima kasama ang ilang miyembro ng elite unit ng NCRPO.

Sa salaysay ng mga kasamahan pulis, ang biktima ay sumisid sa lalim na 15 talampakan sa karagatan kung saan nagawa pa umanong sumenyas sa kaniyang dive master na nahihirapang huminga.

Gayunman, hinimatay ang biktima matapos itong umahon kaya isinugod sa Mabini General Hospital pero idineklarang patay.

Pinaniniwalang hindi sumunod sa tamang pro­seso ang biktima sa pag-ahon sa diving expedition lalo na sa malalim na bahagi ng karagatan kaya ito ay nagbuwis ng buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with