PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 dalagita lunod sa beach resort

OLONGAPO CITY, MANILA, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng kaibigan  dalagita matapos malunod sa beach resort sa Olongapo City, Zambales kamakalawa ng gabi. Ang 12-anyos na si Gielyn Sebastian at Jocelyn Gallardo, 16, ay kapwa nalunod sa Timaan Baloy Beach Resort sa Barangay Barretto habang naliligo. Lumalabas sa imbestigasyon ng Olongapo City Police, magkasamang naligo sa beach resort ang dalawa nang anurin ng malakas na agos ng tubig pailalim. Nakaligtas naman ang isa pang kaibigan ng dalawa na si Joanna Arturo makaraang pagtulungang sagipin ng ilang residente na rumesponde. Naisugod sa James L Gordon Memorial Hospital si Sebastian habang ang bangkay ni Gallardo naman ay natagpuan sa Barangay Matain, Subic, Zambales kinabukasan. Ang mga biktima ay magkakapitbahay sa Barangay Sto. Tomas sa bayan ng Subic at nagkayayaan na maligo sa beach resort sa kabila ng walang nakatalagang bantay at rescue team sa lugar.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: