PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Asset ng militar,’ nilikida

LEGAZPI CITY, Philippines — Bulagta ang 41-anyos na misis na sinasabing asset ng militar matapos itong pagbabarilin ng liquidation squad ng mga rebeldeng New People’s Army sa harap mismo ng kanilang bahay sa Sitio Buho, Barangay Sto. Niño sa bayan ng Monreal, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan ang biktimang si Elena Cantela Laurio ng nasa­bing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Gen.Simeon Ola, dakong alas-6 ng gabi habang nakatayo si Laurio sa harap ng kanilang bahay nang lapitan at ratratin ng grupo ng NPA kabilang ang isang amasona. Kaagad na tumakas ang grupo ng NPA patungo sa bulubunduking lugar sa nasabing barangay. Pinaniniwalaang pinagdudahang asset ng militar ang biktima kaya ito pinatahimik. Itinanggi naman ng pamilya ng biktima ang nasabing akusasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: