PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Cavite shootout: 2 kidnaper bulagta

MANILA, Philippines — Dalawang notoryus na miyembro ng kidnap-for-ransom  gang  na responsable sa pagdukot at pagpatay sa bihag ng  negosyante ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Imus City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PNP-Anti Kidnapping Group Director P/Senior Supt. Glenn Dumlao ang mga napaslang na si Hunny Singh at Kumar Pardeep base sa narekober na identification card.

Bandang alas-3:05 ng madaling araw nang makasagupa ng mga awtoridad ang dalawang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Palanas Road sa Barangay Anabu IG sa nasabing lungsod. 

Nagkaroon ng ilang minutong putukan hanggang sa magkasunod na bumulagta ang dalawa.

Base sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng hot pursuit operation ang arresting team kaugnay sa pagdukot sa biktimang si Lalit Kumar na ang bangkay nito ay itinapon sa bisinidad ng Barangay Navarro sa General Trias City noong Miyerkules.

Sinasabing ang biktima na may lending business ay nabigo umanong magbayad ng P20 milyong ransom kaya pinaslang ng mga kidnaper.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang biktima ay kinidnap ng grupo Singh sa Dasmariñas City, Cavite noong Linggo (Setyembre 3)

Narekober sa encounter site ang cal. 9mm pistol, Tagfolio pistol, mga bala, packaging tape at ang bag na may iba pang paraphernalia.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga awtoridad upang maaresto ang iba pang suspek na kasabwat ng dalawa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: