PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

5 utas, 12 tiklo sa ‘anti-drug operation’

Umaabot sa 32 plastic sachet na shabu at mga drug paraphernalia ang nasamsam ng mga tauhan ni P/Supt. Frankie Candelario sa limang drug suspek matapos na ipatupad ang ‘One Time Big Time Operation’ sa Barangay Graceville, San Jose Del Monte City, Bulacan noong Miyerkules ng madaling araw. Kuha ni Romeo “Boy” Cruz

BULACAN, Philippines — Lima-katao na sinasabing drug suspek ang napatay habang 12 naman ang naaresto sa inilatag na “One Time Big Time Operation” ng pulisya sa ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kinilala lamang ang mga napatay na sina Alyas Ben Diesel, Alyas Ode, mga nakatira  Brgy. Fatima V, San Jose Del Monte City; Ronnie “Tingki” Aporto ng Brgy. Catulinan sa Baliwag; Mark Anthony “Dupang” Cruz, at isa pang hindi nakilala na mga residente ng Brgy.Tambubong sa bayan ng San Rafael.

Pormal na kinasuhan ang naarestong mga suspek na sina Julieta Bisa, Eduardo Nabong, Jordan Maningas, Levi Casauay, Kenneth Pelin, Emmanuel Parungao, Rolando Patropez Jr., Monalyn Nabong, Roderick Lazaro, Renato Javier, Harold De Leon at si Lauro Eusebio ng Brgy. Tibag, Pulilan.

Si De Leon ay naaresto sa bisa ng search warrant na inis­yu ni Judge Celso O. Baguio ng Guimba, Nueva Ecija habang si Eusebio naman ay naaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Crisostomo Dañguilan ng RTC Branch 21 ng Malolos City.

Narekober ang 58 plastic sachet na shabu, ilang pakete ng marijuana, iba’t ibang kalibre ng baril, mga drug paraphernalia at mga marked money na ginamit ng pulisya sa operasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: