PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tanod inutas sa harap ng 2 anak

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Bulagta ang beteranong barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng apat na lalaki sa harap mismo ng dalawang anak habang sakay ng traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Trece Martirez sa bayan ng Casiguran, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktimang si Salvador Atienza ng nasabing barangay. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-4:30 ng hapon pauwi na ang biktimang nagmamaneho ng traysikjel kasama ang dalawang anak na si Jessa at Mae nang sundan ng dalawang motorsiklo lulan ang apat na gunmen. Pinatigil ang biktima saka pinagbabaril sa ulo at katawan saka tumakas ang gunmen. Hindi naman idinamay ng gunmen ang dalawang anak ng biktima. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: