PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Magsasaka dedo sa manok na natuklaw ng cobra

NORTH COTABATO  , Philippines  —   Patay ang 53-anyos na magsasaka matapos itong kumain ng manok na natuklaw ng cobra sa Sitio Colondapok, Barangay Topland, Koronadal City sa South Cotabato kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Koronadal City police, niluto ng biktimang si Pedro Lamingaw at kinain ang manok na tinuklaw ng cobra.

Wala namang palatandaang may external injury sa katawan ng biktima at napag-alaman na may sakit ito na tuberculosis.

Ayon naman sa mga kakilala ng biktima, bago maganap ang insidente, kinatay ng biktima ang manok na sinasabing may kamandag ng cobra.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng pulisya upang matukoy kung ito nga ang naging dahilan ng  kamatayan ng biktima. Rhoderick Beñez

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: