PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mag-asawa, sanggol nirapido ng mga pulis, utas

Kinilala ang mag-asawa na sina Bevino “Junjun” La­ride Jr., Virginia Delibo La­ride, at ang kanilang anak na lalaki na si Rexjun na  pawang bumulagta sa loob ng kanilang bahay. File

MANILA, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at 5-buwang gulang na sanggol nilang anak matapos na manlaban sa mga operatiba ng pulisya ang padre-de-pamilya habang isinisilbi ang warrant of arrest noong Lunes ng madaling araw sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte.

Kinilala ang mag-asawa na sina Bevino “Junjun” La­ride Jr., Virginia Delibo La­ride, at ang kanilang anak na lalaki na si Rexjun na  pawang bumulagta sa loob ng kanilang bahay.

Sa police report ni P/Senior Supt. Leopoldo Cabanag, Lanao del Norte police director na naisumite sa Camp Crame, bandang alas-4 ng madaling araw habang isini­silbi ng mga operatiba ang warrant of arrest laban kay Bevino na may kasong frustrated murder nang pumalag at makipagbarilan ito.

Ayon sa ulat, ang misis ni Bevino ay 3-buwang buntis

Gayunman, tinamaan si  P01 Yasser Macatar kaya nirapido ng mga kasamahang pulis ang bahay ng pamilya Laride kung saan nadamay ang asawa’t anak ni Bevino.

Sa paliwanag naman ni P/Supt. Lemuel Gonda, police regional spokesman, nanindigan ito na hindi minasaker ng mga operatiba ng pulisya ang pamilya Laride.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

The use of firearm was justified considering it poses immenent danger of causing death or injury to the police officers. There was unlawful aggression, that prompted the police officers to fired upon”, dagdag pa ni Gonda.

“There was no massacre, it was purely legitimate police operation,” giit pa ng opisyal.

Isinailalim na sa restrictive custody ang mga pulis at binawian ng baril habang iniimbestigahan ang insidente. Dagdag ulat ni Rhoderick Beñez, with trainee Engrid Genova

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: