PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Cafgu tinodas ng NPA

NORTH COTABATO, Philippines — Napatay ang 47-anyos na katutubo na dating rebeldeng New People’s Army na naging miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa Purok 5, Tribal Village, Barangay Biangan sa bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Jolito Kawayan Monon, magsasaka, at residente ng nasabing lugar. Base sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Violon, nagpapahinga sa balkonahe ng kanilang bahay ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang gunmen. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng mga bala ng cal. 45 pistol at cal. 9mm pistol.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: