PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

121 pulis sa Lucena City, inalis

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Malawakang regodon sa hanay ng pulisya ang ipinatupad makaraang alisin sa puwesto ang lahat ng mga tauhan ng  Lucena City Police Station sa lalawigan ng Quezon.

Maliban sa 121 tauhan ng pulisya sa nasabing lungsod ay ang chief of police na si P/Supt. Art Brual Jr., ang naiwan kung saan napaulat na maiiwan din sa Biñan City Police Station ang chief of police.

Kahapon ay pormal na itinurn-over ni Quezon Police Director P/Senior Supt. Roderick Armamento kay P/Supt. Brual ang 121 pulis mula sa Quezon Police Public Safety Company sa bayan ng Candelaria, Quezon upang pansa­mantalang humalili sa mga pulis na inalis habang hinihintay pa ang formal order mula sa tanggapan ni P/Chief Supt. Ma O. Aplasca, Calabarzon regional police director.

Mananatili naman sa QPPO ang mga miyembro ng Lucena City police habang hinihintay ang pagdating ng mga miyembro ng Biñan City police.

Bagama’t ikinabigla ng mga pulis ang kautusan nang walang malinaw na eksplenasyon ay nakahanda naman daw silang tumalima.

Sinabi naman ni P/Supt. Brual na kung sakaling duma­ting na ang mahigit sa 100 pulis sa Biñan City ay aatasan niyang ipagpatuloy ang magandang nasimulan sa kampanya laban sa droga, kriminalidad at ang ipinatutupad na rehabilitasyon ng 13, 000 drug surrenderees.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: