PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ex-OFW pinagtulungang gulpihin, dedo

CAVITE, Philippines — Napatay ang 51-anyos na ex- overseas Filipino worker (OFW) matapos itong pagtulungang gulpihin at saksakin ng apat na kalalakihan sa main gate ng Madelane Subd., Camella Spring Ville sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa St. Michael Hospital ang biktimang si  Luisito Villalon ng Block 2 Lot 3 Made­lane Subd. at Camella Spring Ville sa nabanggit na lungsod.

Nasakote naman ng pulisya ang tatlo sa apat na suspek na sina John Carlo De Jesus,  Melchor De Jesus, at si Benny Flores, mga nakatira sa Block 3A, Phase 2, Bagong Silang sa Brgy. Queens Row East.

Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na si Basilio De Jesus, 50, security guard at nakatira rin sa nasabing barangay.

Sa ulat ni SP01 Ferdinand Cruz na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, Napagtripan ng mga suspek na gulpihin at saksakin ang biktima makaraang makasagutan at makaaway ang utol nitong si Joey Villalon.

Nabatid na tinungo ni Luisito ang kinaroroonan ng mga suspek makaraang humingi ng tulong ang kanyang utol na si Joey nang makasagutan at makaaway ang sikyu na si De Jesus. Cristina Timbang

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: