^

Probinsiya

Bus na-stranded sa baha: 25 nasagip

Tony Sandoval at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bus na-stranded sa baha: 25 nasagip

Lubog sa tubig-baha ang pampasaherong bus kung saan 25 katao ang nasagip sa bayan ng Pitogo, Quezon. Tony Sandoval

QUEZON, Philippines — Umaabot sa 25-katao kabilang ang driver at konduktor ang nasagip ng rescue team ng militar sa na-stranded na pampasaherong bus sa lumubog sa binahang highway sa bayan ng Pitogo, Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay Major Gen. Rhoderick Parayno, kumander ng Army’s 2nd Infantry Division, bandang alas-7 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Army’s 2nd Infantry Brigade sa na-istranded dahil sa tubig-baha ang pampasaherong bus sa Barangay Biga.

 Nabatid na lumubog sa baha ang sasakyan at napilitan ang 23 pasahero, driver at konduktor na umakyat sa bubungan ng DLTB Bus Company na minamaneho ni Joseph Serrano na nagmula pa sa Pasay at patu­ngong Bicol Region.

Nagpadala naman ng truck ang Army’s 85th Infantry Battalion na nakabase sa Gumaca at mga bangka ang lokal na pamahalaan para masagip ang mga na-istranded na pasahero.

Samantala, bandang alas-9 ng umaga na masagip mula sa panganib ang na-istranded na mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with