PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trike driver inutas sa laklakan

TUGUEGARAO CITY, MANILA, Philippines — Patay ang 34-anyos na tricycle driver nmatapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang nakikipaglaklakan sa Barangay Ugac Sur sa Tuguegarao City, Cagayan  kahapon ng umaga.
 Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Edward Guzman, hepe ng Tuguegarao City Police Station, nag-iinuman sa harapan ng tindahan ang biktimang si Jefferson Tamayao kasama ang pinsang si Jaylord Callueng nang hintuan sila  at ratratin ng tandem. Mabilis na tumakas ang gunmen matapos ratratin si Tamayao habang natulala naman si Callueng na natalsikan pa ng dugo.
Isinugod si Tamayao sa People’s General Hospital kung saan siya idineklarang patay. 
Nabatid na isa si Tamayao sa mga nakisawsaw sa Oplan Tokhang ng pulisya noong 2016.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: