PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 drug suspek todas sa shootout

BULACAN, Philippines — Tatlong notoryus drug suspek ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na anti-drug operation sa Diversion Road sa Barangay Sto. Cristo, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Supt. Heryl Bruno, hepe ng pulisya sa Malolos City ang mga napatay na sina Carlo “Bondat” Calano, Allan “Wanbol” Cruz, at si Fernando Cervantes na sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya. Narekober sa tatlo ang dalawang cal. 38 revolver na paltik, improvised shotgun, kaha ng playing card na may 16 plastic sachets na shabu, ilang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia. Ayon kay Bruno, ang tatlo ay isinailalim sa masusing surveillance bago isagawa ang anti-drug operation.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: