PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Inhinyerong Kano itinumba sa Cavite

CAVITE, Philippines — Pinabulag­ta ang 56-anyos na inhin­yerong Kano matapos itong ratratin ng lalaking nakamotorsiklo habang naglalakad kasama ang kanyang misis at isa pang kamag-anak sa loob ng pamosong subdivision sa Barangay Manggahan, General Trias City, Cavite, kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ang biktimang si Engr. David Cla­rence Poole ng Block 71, Lot 31, Village 3 sa Metropolis Subd. sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya na nai­su­mite sa Camp Panteon Gar­cia, naitala ang krimen bandang alas-6 ng umaga, habang nagla­lakad ang biktima kasama ang kanyang misis nan si Christina Sandiego Poole at kamag-anak na si Angelica Guillermo patungo sa palengke nang lapitan at pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki.

Duguang bumulagta ang biktima habang hindi naman idinamay ng gunman ang misis at kamag-anak ng biktima.

Kaagad namang naitak­bo sa Gentri Doctors Hospital na may ilang metro lamang ang layo sa crime scene subalit idineklarang patay ang biktima.

Narekober ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: