PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Alkalde, anak arestado sa arms cache

Arestado si Tampakan Mayor Leonardo Escobillo at anak nito makaraang salakayin ng mga awtoridad ang bahay nito na makum­piskahan ng iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril, bala sa isinagawang search operation sa Barangay Maltana, Tampakan, South Cotabato kahapon ng madaling araw.

Bahay sinalakay…

NORTH COTABATO, Philippines — Arestado si Tampakan Mayor Leonardo Escobillo at anak nito makaraang salakayin ng mga awtoridad ang bahay nito na makum­piskahan ng iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril, bala sa isinagawang search operation sa Barangay Maltana, Tampakan, South Cotabato kahapon ng madaling araw.

 Isinagawa ang pagsalakay ng mga tauhan ng Regional Public Safety Batallion 12 at Regional Police Drug Enforcement Unit 12 batay sa search warrant na inisyu ni Judge Alandrex Betoya ng Kabacan Regional Trial Court Branch 16, North Cotabato.

Batay sa ulat, walang droga na narekober sa bahay ng alkalde sa halip ay mga armas at mga bala lamang.

Kabilang sa nasamsam ang dalawang carbine rifles, shotgun, AK-47 rifle, dalawang pistola at mga bala.

Sa mga armas na nasamsam tanging ang dalawang carbine ang hindi inako ni Mayor Escobillo dahil hindi umano sa kanya ito.

Maliban sa alkalde, ina­resto rin ang anak nito na si Leonard “Junjun” Escobillo matapos makumpiskahan ng dalawang pistola nang halughugin ang kanyang bahay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Aminado ang opisyal na biktima lamang siya ng tinatawag na political harassment.

Nag-iba naman ang timpla ng kalusugan ni Mayor Escobillo kaya kaagad na isinugod sa bahay pagamutan at isinailalim sa hospital arrest.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: