^

Probinsiya

Barangay chairman, nilikida

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napaslang ang beteranong barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang bahay sa Barangay San Vicente, bayan ng San Jose, Camarines Sur noong Martes ng gabi. Naisugod pa sa Naga City Hospital pero dineklarang patay ang biktimang si Noel T. Briones. Ayon kay P/Senior Insp. Ma. Luisa Calubaquib, nagpapahangin sa labas ng bahay ang biktima nang biglang lapitan at ratratin ito ng dalawang hindi kilalang gunmen. Nakatakbo pa ang biktima subalit hinabol ito saka muling pinatukan sa ulo. Ayon sa ilang nakasaksi sa krimen bago ang pamamaril ay namataan ang gunmen na palakad-lakad sa harap ng bahay ng biktima.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with