^

Probinsiya

3 tiklo sa anti-drug operation

Pilipino Star Ngayon
3 tiklo sa anti-drug operation

Hindi posas kundi plastic straw ang ginamit ng mga pulis sa tatlong drug suspek sa inilatag na anti-drug operation sa Barangay Cacarong Bata, bayan ng Pandi, Bulacan. Romeo “Boy” Cruz

BULACAN, Philippines – Tatlo-kato kabilang ang magka-live-in ang nasakote sa inilatag na anti-drug operation ng pulisya sa Barangay Cacarong Bata sa bayan ng Pandi, Bulacan kamakalawa ng hapon. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Rosalinda “Rose” Galvez, 35; Alfred Antonio, 25, mga miyembro ng Kadamay; at si Raffy Mendoza, 27, trike driver, at nakatira sa Brgy. Wawa sa bayan ng Balagtas, Bulacan. Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Jowen Dela Cruz sa Camp Alejo Santos, inilatag ang anti-drug operation laban kay Galvez kung saan hindi na ito nakapalag. Sina Antonio na ka-live-in ni Galvez at Mendoza ay naaktuhan naman sa pot session sa bahay ni Galvez sa resettlement area ng Kadamay sa Padre Pio sa nabanggit na barangay. Nasamsam sa mga suspek ang apat na pakete ng shabu (P75,000), digital weighing scale, mga drug paraphenalia at ang P500 marked money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with