^

Probinsiya

Ex-Army sinunog, pinugutan ng Abu

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Pinugutan na saka sinunog ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang kanilang binihag na retiradong sundalo sa bahay nito sa Barangay Upper Majayjay, bayan ng Maluso, Basilan noong Martes ng umaga.

Ayon kay PNP Basilan OIC P/Supt. Christopher Panapan,OIC sa Basilan police station, kinilala ang biktima na si Julio Macaraig Pasawa.

Batay sa imbestigasyon, pinagutan muna si Pasawa saka sinunog kasama ng kanyang bahay habang papatakas na ang Abu Sayyaf Group na unang sumalakay sa Barangay Tubigan.

Si Pasawa ay retiradong sundalo ng Philippine Army na may ranggong master sergeant at isang balik-Muslim.

Ayon kay Colonel Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Basilan, dinampot at pinatay ng Abu Sayyaf si Pasawa ilang oras matapos ang pag-atake sa Barangay Tubigan kung saan napatay naman ang siyam na residente at 16 naman ang nasugatan.

Humiling naman ang asawa ni Pasawa sa militar na ipadala ang mga labi ng biktima patungo sa Pangasinan.

Matatandaang, inatake ng Abu Sayyaf Group ang Barangay Tubigan noong Lunes sa kasagsagan ng pagdiriwang ng piyesta kung saan 9-katao ang napatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with