^

Probinsiya

Magnitude 5.1 sa Leyte

Pilipino Star Ngayon
Magnitude 5.1 sa Leyte

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Leyte ngayong Miyerkules ng umaga, ayon sa state volcanology agency.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang sentro ng lindol sa 5 kilometro silangan ng Albuera, Leyte ganap na 6:26 ng umaga.

May lalim na 5 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman naman ang intensity 5 sa Ormoc City, intensity 4 naman sa Pastrana, Leyte at intensity 3 sa Tacloban City and Palo, Leyte.

Nagbabala ang Phivolcs sa mararanasang aftershocks, habang wala naman silang naitalang pinsala ng lindol.

Nitong nakaraang buwan lamang ay niyanig din ang Leyte ng magnitude 6.5 na lindol kung saan higit 500 na aftershocks ang naitala.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with