^

Probinsiya

Pulis-tulak utas sa buy-bust

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines – Napatay ang 38-anyos na pulis na sinasabing nagtutulak ng droga matapos itong makipagbarilan sa mga kabarong pulis sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Bangan sa bayan ng Sanches Mira, Cagayan, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan provincial police office ang napatay na si PO2 Shelwin Pascual ng Piat police station at residente ng Barangay Bulala, Camalaniugan sa Cagayan. Dakong alas-4: 40 ng hapon nang isagawa ng mga awtoridad ang anti-drug operation laban kay P02 Pascual subalit nakatunog na kabaro niya ang poseur-buyer kaya ito tumakas sakay ng motorsiklo. Gayunman, nakorner si P02 Pascual kaya nauwi sa shootout ang insidente kung saan napatay ito. Narekober kay P02 Pascual ang cal. 9mm pistol na may 12 bala, magazine na nay sampung bala, plastic sachet na shabu, at ang marked money.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with