^

Probinsiya

100 bahay nilamon ng apoy

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Tinatayang aabot sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang 100 kabahayan sa Tukananes, Barangay Poblacion Siyete sa Cotabato City, Maguindanao kamakalawa ng hapon. Pansamantalang nanunuluyan sa evacuation sites ang 123 pamilya na naapektuhan ng sunog habang ang iba naman ay nakikitira sa mga kamag-anak kung saan naghihintay ng tulong mula sa lokal na pamahalaan at pribadong sektor. Ayon kay Fire Officer 1 Aldrin Jason Nara, walong fire trucks at Chinese Vo­lunteer Brigade ang nagtulung-tulong na maapula ang sunog. Gayunpaman, nahirapang makapasok sa nasabing lugar dahil masyadong makitid ang daan.  Tumagal ng dalawang oras bago humupa ang apoy na tinatayang nakapagtala ng P.5 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy. Ayon kay Nara, sa luma at depektibong bentilador na pagmamay-ari ni Ameer Ecop nagmula ang apoy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with