Mister nirapido ng tandem, utas
NORTH COTABATO, Philippines - Pinabulagta ang 46-anyos na kawani ng DOLE-Stanfilco Philippines matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen habang sakay ng motorsiklo kaangkas ang misis sa Purok 5, Barangay Gubatan sa bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Rommel Constantino, hepe ng Magpet police station, kinilala ang biktima na si Marcial Emina Buaya ng Crossing Camatis, Barangay Pangao-an sa nasabing barangay. Batay sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawang Buaya patungo sa trabaho sa Barangay Marbel sa bayan ng Kidapawan nang sundan at ratratin ng tandem assassins. Hindi naman sinaktan ang misis na nasugatan makaraang sumemplang ang kanilang motorsiklo.
- Latest