Van vs motorbike: 2 bulagta, 1 kritikal
CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang isa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang salpukin ng pampasaherong van ang kanilang motorsiklo sa Bacoor Boulevard harapan ng V–Central Mall sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga namatay na sina Edmundo Jose Ebio, 67, biyudo; at Ma. Loida Ebio, 31, administrative asst. habang kritikal naman si John Edzen Ebio, 17, high school student at mga nakatira sa Block 12, Phase 9 sa Bahayang Pag-Asa, Barangay Maharlika, Imus City, Cavite. Nakatakda namang kasuhan ang driver ng van (ABQ1312) na si Rolando Alveniz, 42, ng #0388 Miranda Compound sa Barangay Niog 2, Bacoor City. Base sa ulat ni SPO1 Feliciano Garcia II na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, magkakaangkas sa motorsiklo (5154-DB) ang mga biktima nang masalpok ng van ni Alveniz pagsapit sa harapan ng nasabing mall. Naisugod pa sa Southern Asian Medical Center ang mga biktima subalit namatay din habang ang isa naman ay kritikal.
- Latest